NASA kamay na ng Korte Suprema ng Pilipinas ang desisyon kung legal ba o hindi ang kontrobersyal na Priority Development Assistance Fund.
Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag, sinabi ni Senate President Franklin M, Drilon na ang Senad at Kongreso ang magdedesisyon bagama't igagalang nila ang anumang desisyon ng Korte Suprema sapagkat mayroong naunang desisyon o jurisprudence hinggil sa usapin.
Inatasan sila ng Korte Suprema na magsumite ng kanilang posisyon sa loob ng sampung araw bilang tugon sa petisyon ng Social Justice Society na nagtatanong kung legal ba o hindi ang mga pondong napapasakamay ng mga mambabatas.
Ayon sa Social Justice Society, ang PDAF ang pinaguugatan ng mga katiwalian.
Ayon naman kay Senador Francis Escudero, tutugon ang Senado at maaaring manindigan na legal ang PDAF ayon na sa naunang desisyon ng Korte Suprema.
1 2 3 4