|
||||||||
|
||
Mga Pilipino sa Malaysia, binalaang isaayos ang mga dokumento
DAHILAN sa seryosong kampanya ng Malaysian government laban sa mga illegal aliens, pinayuhan ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ng Pilipinas ang mga OFW doon na isaayos ang mga dokumento upang huwag makompromiso.
Sinabi ni Ambassador Eduardo Malaya na kailangang magkaroon na tamang dokumento ang mga Pinoy na naroon tulad ng mga work permit, pasaporteng mayroong balidong visa. Kailangang dala ang mga dokumentong ito upang makaiwas sa problema. Kailangang mayroong aprobadong work permit ang mga Pilipinong nais magtrabaho sa Malaysia.
Ginawa ni Ambassador Malaya ang panawagan matapos siyang dumalaw kasama si Consul General Medardo G. Macaraig sa Jalan Tun Tan Cheng Lock at iba pang mga pook na dinadalaw ng mga Pilipino.
Noong nakalipas na Sabado, sinimulan na ng Malaysia ang kanilang kampanya laban sa illegal aliens at nakadakip ng halos 2,500 mga banyaga. Mayroong 717 indonesian ang nadakip, may 555 mula sa Myanmar, 387 na Bangladeshi at 229 na mga Nepali.
Walang mga Pilipinong nadakip, ayon sa mga kawani ng Embahada ng Pilipinas sa Malaysia.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |