Pag-aayuno para sa Kapayapaan sa Syria, gagawin din sa Maynila
MAGSASAGAWA ng Araw ng Panalangin at Pagaayuno ang mga taga-Arkediyosesis ng Maynila sa darating na Sabado bilang tugon sa panawagan ni Pope Francis na ilaan ang araw na ito para sa kapayapaan sa Syria.
Binanggit ni Pope Francis sa kanyang Orasyon noong Sabado na nananalangin siyang makarating ang panawagan para sa kapayapaan sa mga puso ng mga mamamayan. Kasabay ito ng kanyang pagkondena sa paggamit ng mga sandatang kemikal. Hindi umano niya maiwaksi ang malalagim na larawan ng kaguluhan sa Syria.
Sa isang sirkular, nanawagan si Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle sa mga kakaparian na mag-Misa sa Sabado, ika-pito ng Setyembre na may intensyong iparating ng Birhen Maria, ang kinikilalang Reyna ng Kapayapaan sa ngalan ng mga mamamayan sa Syria ang kahilingang maghari ang kapayapaan.
Nanawagan din si Cardinal Tagle na magkaroon ng Holy Hour para sa Kayapaan pagkatapos ng Misa.
1 2 3 4