Mga pari't obispo ng Kabisayaan, kinondena ang kakaibang paggasta ng pamahalaan
NAKIISA ang mga obispo at kapariang kalahok sa Visayas Clergy Discernment Group sa pamumuno ni Iloilo Auxiliary Bishop Gerardo Alminaza sa pananawagan kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, sa mga senador at mga kongresista na ipakita sa mga mamamayan ang kanilang pagpaparangal sa kabayanihan ni Senador Benigno Aquino Jr. sa pagpapahinto sa kultura ng katiwalian at walang-pakundangang paggasta ng salapi ng bayan.
Sa nagbabagong paninindigan ng mga mambabatas na alisin na ang may P 25 bilyong pondo sa kanilang kamay, mas makabubuting makita ang kanilang mga paninindigan sa gawa.
Nanawagan na rin sila kay Pangulong Aquino na huwag nang paki-alaman ang Special Purpose Funds na nagkakahalaga ng P 310 bilyon at Un-programmed Funds na nagkakahalaga ng P 139 bilyon para sa 2014. Aabot ang pondong ito sa P 499 bilyon.
1 2 3 4