Pagpaslang sa isang mamamahayag, kinondena ni Pangalawang Pangulong Binay
KINONDENA ni Pangalawang Pangulong Jejomar Binay ang pagpaslang sa mamamahayag na si Vergel Bico, 41 taong gulang na mula sa Calapan City, Mindoro Oriental.
Si Bico ang siyang editor at publisher ng lingguhang Kalahi, isang pahayagang panglalawigan.
Nagpaabot din ng pakikiramay ang pangalawang pangulo sa naulila ng biktima. Hiniling niya sa pulisya na siyasatin ang naganap na krimen at humiling ng regular na impormasyon.
Ayon sa Center for Media Freedom and Responsibility, si Bico ang ikapitong mamamahayag na napaslang ngayong 2013. Binaril siya ng dalawang kalalakihang sakay ng motorsiklo.
1 2 3 4 5