|
||||||||
|
||
Consulate General ng Pilipinas sa Jeddah nagbabala
IBINALITA ng Consulate General ng Pilipinas sa Jeddah na walang anumang kautusan ang Hari ng Saudi Arabia na sunduin ang mga walang dokumentong manggagawang Pilipino sa kaharian upang makauwi na sa Pilipinas.
Ayon sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, kumpirmado rin ito ng Konsulado sa Jawazat, ang tanggapang naglalabas ng mga pasaporte at ibang dokumento, na walang kautusan ang hari at walang sinumang nakauwi sa mga nabalitang sinundo. Walang sinumang makakauwi ng hindi dadaan sa proseso sa repatriation at regularization program.
May impormasyong natanggap ang Konsulado na ang mga manggagawang Piliipino ay sinundo umano ng Jawazat ay hiningan ng hindi bababa sa 100 Saudi Riyal. Totoong dinala sila sa paliparan subalit hindi sila nakaalis.
Niliwanag ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas na ang pagpapauwi ay walang bayad at ang sinumang nabigyan ng exit visa at walang kakayahang bumili ng ticket ay maaring humingi ng tulong sa Konsulado.
Walang dahilan upang magbayad mabigyan lamang ng reference number ang travel document, makunan ng fingerprint o mabigyan ng exit visa. Walang katiyakan kung gaano kabilis na mabibigyan ng exit visa o ticket ang mga manggagawang na sa Tent City.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |