Mga Pilipinong nasa Egipto at Syria, tuloy ang repatriation
MAGPAPATULOY ang palatuntunan ng Department of Labor and Employment na magpapauwi sa mga manggagawa at kanilang mga supling mula sa mga bansang Egipto at Syria.
Ayon kay Kalihim Rosalinda Dimapilis Baldoz, nakauwi na ang 1,265 na OFW at kanilang mga supling mula sa magugulong bansa mula noong unang araw ng Enero hanggang ngayon. Labing-lima katao na binubuo ng siyam na nasa tamang edad at pitong mga bata ang unang grupo ng mga repatriates mula sa Egipto na nakauwi sakay ng Gulf Airways Flight GF 154 noong ika-30 ng Agosto.
Siyam katao rin ang dumating kagabi. Ang pahayag na ito ay kasunod ng ulat mula sa Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas.
Samantala, ibinalita ng Philippine Overseas Labor Office na may 1,250 mga Pilipino ang napauwi ngayong taon mula sa Syria. Mayroon pa ring 181 mga Pilipino ang nasa embahada sa Damascus.
1 2 3 4 5