|
||||||||
|
||
130924melo.m4a
|
PINAYUHAN ng Ombudsman ang Senado na huwag na munang anyayahan si Janet Lim Napoles sa pagsisiyasat hinggil sa P 10 bilyong pork barrel scam.
Sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa kanyang liham kay Senate President Franklin Drilon na bagama't kinikilala nila ang poder ng Senado na magsagawa ng pagsisiyasat upang makagawa ng batas, hindi kaaya-ayang anyayahan si Napoles upang humarap sa komite na magsisiyasat. Ang pinatutungkulan ni Ombudsman Carpio-Morales ay ang Senate Blue Ribbon Committee.
Mayroon na umanong kasong plunder na nakarating sa Ombdusman na kinasasangkutan ng ilang senador. Mayroon pa ring mga PDAF-related cases na kinasasangkutan ng ilan pang opisyal ng pamahalaan na naghihintay ng pagsisiyasat ng Ombudsman.
Ang anumang maaaring sabihin na Napoles ay hindi maaasahan at maaaring hindi makatulong sa mga panukalang batas na maaaring gawin ng mga senador ng bansa.
Sa press conference na ipinatawag ni Senate President Franklin M. Drilon, sinabi niyang iginagalang ng Senado ang pahayag ng Ombudsman.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |