|
||||||||
|
||
Suspension ng Sangguniang Kabataan elections, pasado sa Kamara at sa Bicameral Conference Committee
SA pagkakatoon ng botong 185 – 12, pumasa ang panukalang suspension ng halalan para sa Sangguniang Kabataan sa ikatlong pagbasa sa Mababang Kapulungan sa sesyong pinamunuan ni Speaker Feliciano Belmonte, Jr. Napagkasunduang gawin ang halalan sa huling lunes ng Oktubre sa taong 2016.
Ang House Bill 2849 ang kapalit ng anim subalit halos magkakapareho ang kahilingan ay akda nina Congressmen Winston Castelo ng Quezon City, Joselito Mendoza ng Bulacan, Xavier Jesus Romualdo ng Camiguin, Anthony del Rosario ng Davao del Norte at Edgar Erice ng Caloocan.
Ipinagtanggol sa plenaryo no Congressman Fredernil H. Castro ng Capiz, chairman ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang panukala at sinuportahan naman ni Congressman Erice.
'Ayon sa mga may akda, sa hindi pagkakatuloy ng halalan ng Sangguniang Kabataan, magkakaroon ng pagkakataon ang Kongreso na pag-aralan ang iba't ibang panukala para sa pagbuwag nito.
Samantala, sa pagpupulong ng mga kinatawan ng Senado at Kongreso sa panukalang huwag na munang ituloy ang halalan para sa Sangguniang Kabataan, nagkasundo silang mas makabubuti na gawin na lamang ang halalan sa pagitan ng ika-28 ng Oktubre 2014 at ika-23 ng Pebrero sa 2015.
Sinabi ni Senador Ferdinand R. Marcos, Jr. na nilagdaan na nila ang desisyon at dadalhin na sa magkabilang plenaryo sapagkat mahalaga ito at nangangailangan ng dagliang aksyon.
Ibabalik ito sa Senado at Kongreso upang sang-ayunan ng mga senador at kongresista bago lagdaan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.
Walang sinumang papayagang magkaroon ng hold-over capacity. Ang salaping nakalaan sa Sangguniang Kabataan ay matutungo sa national funds.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |