|
||||||||
|
||
Trade Union Congress of the Philippines nababahala sa pagpasok ng mga banyagang manggagawa
NAGPAABOT ng pagkabahala ang Trade Union Congress of the Philippines sa mga balitang dumarami ang mga Tsinong manggagawa na iligal na nagtatrabaho sa bansa at sa magiging epekto nito sa pagkakakitaan ng mga manggagawang Pilipino.
Sa isang pahayag, sinabi ni Gerard Seno, executive vice president ng Associated Labor Unions na mayroong mga Tsinong nasa construction industry ng walang kaukulang permiso mula sa pamahalaan. Idinagdag pa ni Seno na may tama o masamang epekto ito sapagkat mataas ang unemployment at underemployment rates sa Pilipinas. Magiging mabuway ang job security sa bansa.
Base sa balita ng TUCP, higit sa 3,000 mga Tsino ang iligal na nagtatrabaho sa Bataan at Batangas sa ilalim ng isang multi-national private contractor. Binabaluktok ng mga banyagang kontratista ang batas sa pag-aapply para sa 300 work permits subalit mas maraming mga manggagawang banyaga ang kanilang dinadala. Mahina na naman ang pagbabantay ng mga ahensya ng pamahalaan kung hindi kulang ang mga nagpapatupad ng batas.
Nanawagan sila sa Bureau of Immigration at mga punong bayan at lungsod at regional labor officers na ipatupad ang batas upang ipagsanggalang din ang mga manggagawang Pilipino. Nararapat ding mapalaya ang mga Tsinong manggagawaga sa 'di makataong kalakaran ng paggagawa.
Sinabi pa ni Seno na ang mga banyagang manggagawa ay nararapat magkaroon ng Alien Employment Permit mula sa Department of Labor and Employment, Bureau of Immigration at Professional Regulatory Commission.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |