Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Napoles, hindi na pahaharapin sa Senado

(GMT+08:00) 2013-09-24 17:55:45       CRI

Pagdalaw sa pilgrimage sites, malaking tulong sa turismo at pananampalataya

MALAKI ang relasyon ng turismo at mga pagdalaw sa mga pilgrimage site. Ito ang buod ng mensahe ni Fr. Edwin Corros ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People sa kanyang mensahe sa ika-18 taunang pagtitipon ng Association of Shrine and Pilgrimage Promoters sa San Carlos Formation Center sa Lungsod ng Makati.

Ilan sa mga dahilan ng pagdalaw ng mga mamamayan sa pilgrimage sites ay ang hanapin ang Diyos at magkaroon ng kapayapaan. At sa kanilang paglalakbay, lalabas ang kanilang mga pangangailangan tulad ng pagkauhaw at pagkagutom. Inihalimbawa niya ang Antipolo Shrine sa Lalawigan ng Rizal na ngayo'y napaliligiran ng mga kainan, kapihan at mga tindahan.

Idinagdag pa ni Fr. Corros na ang mga pilgrims na mula sa malalayong pook ay mangangailangan ng matutulugan tulad ng mga pook sa Europa na mayroong mga hotel at mga pagamutan.

Isinusulong ng Simbahan ang kakaibang uri ng turismo, ang pagiging wasto at may responsibilidad, may paggalang sa dignidad ng mga mamamayan, pangmatagalan at pagpapahalaga sa kapaligiran. Itinataguyod ng simbahan ang turismong walang anumang bahid ng pag-abuso at kapaki-pakinabang sa "human and spiritual growth."

Iba't ibang ang dahilan kung bakit dumadalaw sa mga pilgrimage sites. Maaari silang deboto at mga turista. Sa pagpapatuloy ng kanilang spiritual journey, mamimili sila ng mga imahen, rosary, kandila at iba pang religious items. Ang halimbawang ipinagkakaloob ng Quiapo at Baclaran bilang pilgrimage sites ang magpapaliwanag kung bakit napaliligiran sila ng iba't ibang kalakal.


1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>