|
||||||||
|
||
Pamahalaan, naglaan ng P 3.89 B para sa Zamboanga City
INATASAN na ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III si Kalihim Florencio Abad ng Department of Budget and Management na maglaan ng P 3.89 bilyon para sa "relief" at "rehabilitation" sa mga apektado ng kaguluhan sa Zamboanga City.
Tinaya ng Department of Social Welfare and Development ang halaga para sa relief operations, education, shelter at livelihood assistance para sa mga biktima ng Zamboanga standoff.
Ayon kay Kalihim Abad, personal na tiningnan ni Pangulong Aquino ang nagaganap sa Zamboanga. Upang mabalik sa normal ang situwasyon, magkakaroon ng relief aid para sa mga apektadong mamamayan at magpapatupad ng rehabilitation activities sa mga apektadong komunidad upang makabangon sa epekto ng kaguluhan.
Kukunin ang salapi sa 2013 Contingency Fund na mayroon pang P 1.2 bilyon at Calamity Fund na may nalalabi pang P 4.9 bilyon. Sa salaping P 3.89 bilyon, prayoridad ang patuloy na relief assistance para sa 23,794 na pamilya – P 178,455,000; Balik-Probinsya para sa 2,125 na pamilyang nawalan ng tahanan – P 10,625,000; Educational assistance kabilang ang supplies at allowances para sa 21,387 mga mag-aaral - P 106,935,000; Supplementary feeding program para sa 120 araw para sa 15,446 na pamilya – P 24,095,760; Cash for Work para sa 23,794 na pamilya – P 149,902,220; Construction of bunkhouses/transitional shelter para sa 21,252 na pamilya – P 797,250,000; Shelter assistance para sa P 21,252 na pamilya – P 2,125,200,000; Operational and Project Management requirements – P 285,017,040.00
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |