|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mga opisyal na pamahalaan, itinanggi ang akusasyon ni Senador Estrada
TUMANGGI ang mga opisyal ng pamahalaan sa akusasyon ni Senador Jose "Jinggoy" Estrada na ang Department of Budget and Management ang naglabas ng salapi upang mapatalsik si Chief Justice Corona sa puesto.
Sinabi ni Kalihim Florencio Abad na hindi kapani-paniwala ang akusasyon ni Senador Estrada na napatalsik si CJ Corona dahilan sa tig-lilimampung milyong pisong alok ng pamahalaan. Magugunitang kinasuhan si CJ Corona dahilan sa hindi pagdedeklara ng kanyang mga ari-arian sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth.
Wala umanong binabanggit ang Commission on Audit na naglabas sila ng salapi para sa panunuhol. Napakaingat umano nila sa paglalabas ng Priority Development Assistance Fund, dagdag pa ng kalihim.
Wala umano silang kinalaman sa "private and confidential memorandum" na diumano'y nagmula kay Senador Drilon.
Tumanggi rin sa mga akusasyon si Communications Secretary Ricky Carandang. Itinanggi naman niya ang sinabi ni dating Senador Panfilo Lacson na ang senator-judges ay kumita ng tiglilimampung milyong piso mapatalsik lamang si CJ Corona.
Naunang sinabi ni dating Senador Lacson na si Senador Drilon ang nagsabi na mayroong "biyayang P 50 milyon" sa kanilang idinaos na caucus.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |