|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mga MNLF, nadakip sa Zamboanga
MAY 45 mga kasapi ng Moro National Liberation Front na nakikipaglaban sa mga kawal ng pamahalaan sa Zamboanga City ang nadakip ngayon.
Ayon kay Lt. Col. Ramon Zagala, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines, ang MNLF guerillas ay nadakip sa Barangay Sta. Catalina, Zamboanga City.
Hindi pa nila matiyak kung ilan pang mga MNLF ang lumalaban sa mga kawal ng pamahalaan. Hindi umano makakilos ng maayos ang mga kawal sapagkat may hawak pa ring hostages ang mga MNLF.
May 30 mga MNLF ang sumuko kahapon sa pamahalaan at may tatlong kawal ang napatay at anim na nasugatan sa sagupaang naganap sa Rio Hondo kanina. Tatlong MNLF guerillas ang napaslang. Nasa ika-labing walong araw na ang nagaganap sa sagupaan sa Zamboanga City.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |