|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Rally laban sa pork barrel, ginawa
IBA'T IBANG lider ng mga pananampalataya ang nagtipon sa Quezon Memorial Circle upang manawagan sa mga tauhan ng pamahalaan na managot sa pork barrel scam at tapusin na ang krisis sa Mindanao.
Sa interfaith service na idinaos sa Quezon City, nagsama-sama ang mga Muslim at Kristiyano upang manatiling buhay ang kaalaman ng madla sa mga isyu.
Sinabi ni Bishop Ephraim Tendero ng Philippine Council of Evangelical Churches na nararapat ipagpatuloy ng madla ang paglaban sa pork barrel.
Nagsama-sama sina Bishop Tendero at National Ulama Conference of the Philippines President Dr. Amina Rasul.
Nakiisa rin ang National Council of Churches in the Philippines at ang Imam Council of the Philippines sa paglahok ng Sulong CARHRIHL.
Nanawagan silang tapusin na ang kaguluhan sa Zamboanga City at panatiliin ang pagtutulungan upang matapos na ang sigalot sa pinakamadaling panahon.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |