|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pilipinas, lumagda sa kauna-unahang kasunduan sa kalakal ng mga sandata

PILIPINAS LUMAGDA SA ARMS TRADE TREATY. Lumagda sa ngalan ng Pamahalaan ng Pilipinas si Ambassador Libran N. Cabactulan sa United Nations sa Arms Trade Treaty upang patunayan ang pangako ng bansang isusulong ang kapayapaan at katatagan sa daigdig. Ang Pilipinas umano ang kauna-unahang bansa mula sa ASEAN na lumagda sa ATT. (DFA Photo)
KAHAPON lumagda ang Pilipinas sa kauna-unahang Arms Trade Treaty na nagtatakda ng international standards para sa kalakalan ng mga sandata sa daigdig.
Si Ambassador Libran N. Cabactulan, ang permanent representative ng Pilipinas sa United Nations ang lumagda sa kasunduan sa ngalan ng pamahalaan. Ang Pilipinas ang kauna-unahang bansang lumagda (mula) sa ASEAN.
Sinabi ni Ambassador Cabactulan na lumagda ang Pilipinas bilang pagpapatotoo sa pangakong isusulong ang pandaigdigang kapayapaan at seguridad. Ang pagkalat ng mga sandata ang nagpasidhi ng kaguluhan sa iba't ibang bahagi ng daigdig na kinabibilangan ng Pilipinas at kailangang matugunan ang mga pangyayaring ito.
Sinimulan ang mga paglagda sa ATT noong ikatlong araw ng Hunyo ng taong ito at magkakabisa matapos sangayunan ng may 50 mga bansa. Halos kalahati na ng mga kasapi sa United Nations ang nakalagda.
Saklaw ng ATT ang mga conventional weapons para sa militar, mga mumunting sandata, mga bala at spare parts. Naglalaman ito ng mabibigat na regulasyon ayon sa karapatang pangtao at international humanitarian law. Itinatadhana rin nito ang critera para sa export ng conventional arms.
Tumagal ng pitong taon ang proseso sa United Nations at nakapasa sa general assembly noong ikalawang araw ng Abril, 2013 sa pagkakaroon ng 154 na sang-ayon, tatlong hindi sumang-ayon at 23 abstentions.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |