|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mga kumpanya ng gamot, may P 5 milyong donasyon para sa Zamboanga
MAGLALAAN ang Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines ng P 5 milyon halaga ng mga gamot upang pakinabangan ng may 110,000 katao na napagitna sa labanan.
Ang PHAP, sa pamamagitan ng kanilang PHAPCares Foundation ang nagpadala ng mga kailangang gamot base sa kanilang pagsusuring natanggap mula sa Zamboanga City health office.
Dinala ang unang bahagi ng mga gamit at ipinagkaloob sa Office of Civil Defense-Regional Risk Reduction and Management Council IX at Zamboanga City Health Office.
Ayon kay Teodoro B. Padilla, executive officer ng PHAPCares, maliban sa mga naglalabanang grupo, ang mga sibilyan ang pinakaapektado ng nagaganap sa ganitong mga situwasyon. Ipinarating na nila sa mga ahensya ng pamahalaan ang kanilang kahandaang makiisa at tumulong sa mga biktima.
Ang mga gamot na ipinagkaloob ay para sa sipon, ubo, lagnat, sakit ng katawan, pagdudumi at mga impkesyon kasama na ang mga multivitamins para sa mga matatanda at mga bata. Mayroon ding specialized medicines para sa mga pagamutan.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |