Singapore, pinaka business-friendly sa daigdig
SA katatapos na pagsusuri ng World Bank at International Finance Corporation, ang Singapore ang katatagpuan ng pinaka business-friendly regulatory environment para sa mga local entrepreneur. Kasunod nito ang Hong Kong Special Autonomous Region ng Tsina. Noong 2012, 15 mula sa 25 ekonomiya sa Silangang Asia at Pacific ang nakapagpatupad ng isang regulatory reform kaya't patuloy na dumadali at gumaganda ang pangangakalal sa rehiyon.
Ayon sa Doing Business 2014: Understanding Regulations for Small and Medium-Size Enterprises, mula noong 2005, 22 sa 23 ekonomiya ng silangang Asia at Pacific ang nagpagaan sa mga requirements upang makapangalakal. Tsina umano ang nagkaroon ng kapuri-puring hakbang sa pagpapadala ng kalakal sa bansa.
Sinabi ni IFC Resident Representative to the Philippines Jesse Ang, ng Pilipinas ay kabilang sa top 10 economies na may pinakamagandang programang nagpapagaan ng pangangalakal. Kabilang sa talaan ang mga bansang New Zealand, United States, Denmark, Malaysia, Republic of Korea, Georgia, Norway at United Kingdom. Electronic system na ang gamit sa Malaysia upang magbayad ng buwis. Ang Singapore naman ay mayroon single-window system para sa kalakalan at Republic of Korea na mayroong electronic system sa pagpapatupad ng mga kontrata.
1 2 3 4 5 6