|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Kakaibang Halloween celebration gagawin sa Iloilo
IBA ang nakatakdang gawin ng mga taga-Sto. Nino de Arevalo parish na pagdiriwang ng Halloween.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Msgr. Amadeo Escañan, parish priest na ipagdirwaing ang Halloween bilang kapistahan ng kahat ng banal na kalalakiha't kababaihan.
Sa halip na katampukan ng mga kaluluwa, mga maligno at iba pa, ipagdiriwang nila ito bilang kapistahan ng mga santo. Sa mga pagdiriwang ng Halloween sa mga tahanan ng mga mayayaman at mga shopping mall, nakikita ang komersiyalismo.
Magsisimula ang Prusisyon ng mga Santo sa Sto. Nino de Arevalo Parish sa ika-31 ng oktubre sa ganap na ikatatlo't kalahati ng hapon. Limang mga bata mula sa sampung mga barangay ng parokya ang lalahok sa prusisyon.
Ikinalulungkot ng mga alagad ng Simbahan sa Panay Island ang karaniwang paniniwala ng mga tao sa pamahiin at mga sinaunang gawi. Noong 2006, nanindigan ang Simbahan sa pagtutol sa taunang "Aswang Festival" na nagiging daan upang maging katanggap-tanggap ang masamang gawain.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |