|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Embahada ng Pilipinas sa Tsina, tumutulong na sa mga naging biktima ng sakuna
ISANG Filipina ang nasawi samantalang isang lalaki at dalawang babae ang nasugatan sa sakuna kahapon sa Tienanmen Square sa Beijing. Ayon kay Assistant Secretary Raul Hernandez ng Department of Foreign Affairs, ibinalita ng Public Security Bureau ng Beijing sa Embahada ng Pilipinas na isang Filipina ang sinamangpalad na nasawi sa insidente.
Ang tatlong iba pa ay dinala sa pagamutan. Mag-aama ang nasugatan at nagpapagaling na sa Tongren Hospital. Ang maybahay ay isinugod sa Beijing hospital subalit nasawi samantalang ginagamot sa tindi ng mga sugat na natamo. Pawang mga turista ang mga biktima. Nakikipagtulungan pa ang Embahada sa Public Security Bureau upang makakuha ng kaukulang detalyes at upang higit na makatulong sa mga naging biktima.
Ayon kay G. Hernandez, tiniyak na ng embahada naipaaabot ang lahat ng kailangang tulong partikular sa pag-uwi ng mga nasagatan at ng labi ng nasawi.
Tuloy pa ang pasisiyasat ng mga kinauukulan sa Beijing tungkol sa insidente, dagdag pa ni G. Hernandez.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |