|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Japan, nagpadala rin ng tulong para sa mga nasalanta ng lindol
NAGPALADA ang Pamahalaang Hapones ng emergency relief goods na binubuo ng mga tolda, plastic sheets at iba pang nagkakahalaga ng ¥ 38 milyon o P 16.7 milyon sa Republika ng Pilipinas sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) bilang tugon sa panawagan ng Pilipinas kasunod na malakas na lindol na tumama sa Central Philippines noong ika-15 ng Oktubre.
Ayon sa Pamahalaan ng Pilipinas, may 218 katao ang nasawi at 768 ang nasugatan samantalang nakaapekto sa may 320,000 katao.
Dahilan sa matatag na pagkakaibigan ng dalawang bansa, nagdesisyon ang Pamahalaang Hapones na magpa-abot ng emergency assistance para sa mga pangangailangan ng mga biktima.
Samantala, nagpadala na ang Department of Social Welfare and Development sa Bohol na karagdagang 24,000 food packs, 1,000 water jugs na may maiinom na tubig, 217 shelter box tents. Siyam na kahon ng shelter box tools na nagkakahalaga ng P 17.8 milyon sakay ng barko ng Philippine Navy.
Sa pakikipagtulungan sa Air 21, may 6,000 family food packs ang ipadadala anumang oras ngayon patungo sa Tagbilaran City.
Umabot na sa P 37.75 milyon ang halaga ng naipadalang tulong sa Central Visayas. Mula ang P 24.82 milyon sa DSWD, P 2.97 milyon mula sa local government units, at P 9.95 milyon sa non-government organizations.
Sinabi ni Secretary Corazon Juliano Soliman na ginagawa ang repacking ng relief goods sa DSWD National Resource Operations Center at target nilang matamo ang 50,000 food packs.
Umabot na sa 1,011 ang mga volunteer na tumulong sa repacking. Ang pagkain nila'y mula sa 7-Eleven convenience store sa ilalim ng kanilang partnership.
Mayroon pang 280 evacuation centers sa Bohol na kinalalagyan ng may 94,624 katao. Mayroong 23 evacuation centers sa Cebu na kinaroroonan ng may 5,009 katao.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |