|
||||||||
|
||
Pagkain, namimiligrong tumaas ang presyo
SAMANTALANG nanatiling matatag ang Asia sa gitna ng food crisis mula noong 2007 hanggang 2012, ang bumababang produksyon at tumitinding mga sama ng panahon ang naglalagay sa rehiyon sa peligrong magkaroon ng mas mataas na presyo ng pagkain.
Ayon sa pahayag ng Independent Evaluation Department ng Asian Development Bank, kahit hindi pa napupuna ang pagtaas ng presyo ng bilihin, mas mataas ito sa presyo ng pagkain bago sumapit ang krisis, malaki pa rin ang posibilidad na hindi kaagad gagalaw ang presyo. Nagkataon nga lamang na hindi ito dahilan upang huwag kumilos ang mga magsasaka at mga pamahalaan.
Sa pag-aaral na pinamagatang Food Security Challenges in Asia, pinag-aralan at sinuri ang naging dahilan ng krisis at epekto nito sa lipunan. Tatlong peligro ang nakikita at ang mga ito ay ang mabagal at hindi umuunlad na produksyon ng trigo at palay dahilan sa mas mababang investments sa pagsasaka at maging ang epekto ng climate change.
Sinabi ni Vinod Thomas, director-general ng Independent Evaluation, higit na mamimiligro ang presyo ng pagkain kung hindi magkakaroon ng angkop na tugon ang mga pamahalaan, development institutions at pribadong sektor upang madagdagan ang produksyon sa buong Asya.
Lumalabas na ang climate change ang pinakamatinding peligro sa food security sa susunod na sampu hanggang dalawampung taon. Idinagdag pa ni G. Thomas na nadarama na ang epekto ng climate change.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |