|
||||||||
|
||
Pangalawang Pangulong Binay, nakiusap sa Hari ng Saudi Arabia
NAKIUSAP si Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay kay King Abdullah Bin Abdulaziz al Saud ng Saudi Arabia na bigyan ang mga banyagang manggagawa ng panibagong extension upang maituwid at maisaayos ang kanilang working status sa Kaharian.
Pinasalamatan ni G. Binay ang hari sa unang extension na ibinigay subalit libu-libong mga Pilipino pa ang umaasang maisasaayos ang kanilang working status.
Binigyang-diin ni Pangalawang Pangulong Binay na maraming Pilipino na ang nakinabang sa makataong Royal Decree upang maituwid ang kanilang employment status sa Kaharian at pagbibigay ng exemptions sa mga nagnanais umalos sa pagtatapos ng Hejira year sa ikatlong araw ng Nobyembre.
Tiniyak ng pangalawang pangulo ng kumikilos din ang Pamahalaan ng Pilipinas upang tulungan ang mga undocumented Filipinos na maging legal ang katayuan.
Sa dami ng mga manggagawang nais mag-ayos ng kanilang mga papeles, maraming hindi makakatugon sa deadline. May 4,111 mga Pilipino na ang napauwi sa Pilipinas dahilan sa Saudi policy. Mayroong 1,716 ang naghihhintay na makauwi ng Pilipinas.
Sinimulan ang crackdown laban sa mga illegal workers sa Saudi Arabia noong ika-28 ng Marso dahilan sa Saudization policy na nananawagang kumuha ng mga manggagawang mula mismo sa Saudi sa halip na mga banyaga.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |