Pangulong Aquino, haharap sa pambansang telebisyon
HAHARAP si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa bansa ngayong gabi upang ipagtanggol ang kanyang kontrobesyal na Disbursement Acceleration Program o DAP.
Ang DAP ay binuo umano upang magamit ang naipon ng pamahalaan sa mga ahensya nito na may mga proyektong magpapasigla sa ekonomiya. Sa ilalim ng DAP, nabigyan ang mga senador ng tig-lilimampung milyong piso bawat isa kasunod na pagkakapatalsik kay Chief Justice Renato C. Corona noong nakalipas na taon. Magsasalita si Pangulong Aquino sa telebisyon sa pag-itan ng ika-anim at kalahati ng gabi hanggang ika-pitumpu't kalahati ng gabi.
Niliwanag ng Palasyo na hindi kasamaang lahat ang dulot ng DAP sapagkat dahilan ito ng mas mataas na employment rate sa paglipas ng mga taon.
1 2 3 4 5 6