|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
SINABI ni Cardinal Theodore McCarrick, kasapi ng Board of Directors ng Catholic Relief Services, na napakatindi ng pinsalang dala ng tinaguriang super-typhoon "Yolanda" sa Tacloban City at mga kalapit pook. Kamangha-mangha ang kakayahan ng mga biktima upang manatiling maayos ang kanilang kaisipan.
Ikinatuwa niya ang pagdating ng Catholic Relief Services na naglaan ng US $ 20 milyon upang magkaroon madaliang tulong para sa mga nasalanta sa pamamagitan ng paglalaan ng tubig na maiinom at pagkain para sa iba't ibang bahagi ng Central Philippines. Nakagugulat umano ang lakas ng loob ng mga Pilipino na napapanatili ang kanilang maayos na kaisipan sa gitna ng napakalagim na trahedya.
Inamin ni Cardinal McCarrick na ikinalungkot niya ang kanyang nakita sa magkabilang panig ng lansangan na maraming tahanang 'di na pakikinabangan. (Naglakbay ang cardinal mula sa Palo, Leyte hanggang Ormoc City kahapon.)
Sa katanungan kung anong maituturo sa lahat ng mga mamamayan, hindi lamang sa mga naging biktima, sinabi ni Cardinal McCarrick na narapat bigyang pansin ang pagmamahal sa kapwa tao, lalo na sa mga nangangailangan.
Sinabi ni Cardinal McCarrick na pagtutuunan nila ng pansin ang pagpaparating ng humanitarian aid at gagawa ng mga paraan upang higit na mapalakas ang kanilang paniniwala sa Panginoon.
Sa mga leksyong natamo, sinabi niya na nabigyang pansin ang pakikibahagi ng tao sa kanyang kapwa, lalo na't sa mga nangangailangan at nagdarahop.
Ayon sa 83 taong-gulang na cardinal, itinuturo ng lahat ng pananampalataya ang pagkakaroon ng buhay na walang hanggan at ang buhay sa daigdig ay pansamantala lamang. Mahalagang mapagtanto ng lahat ang kahalagahan ng paglilingkod sa kapwa.
Naging main-celebrant sa misang idinaos sa Palo Cathedral, isa sa pinakamatinding napinsala ng bagyong "Yolanda" sa Leyte, kahapon ng umaga si Cardinal McCarrick at sinahaman ng pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines President at Cebu Archbishop Jose S. Palma at Palo Archbishop John Du.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |