China, naghihintay ng go-signal mula sa pamahalaan ng Pilipinas
NAGHIHINTAY ang mga Tsino ng senyal mula sa Pamahalaan ng Pilipinas sa pagpapanatili ng komunikasyon sa pagkita ng dalawang bansa tungkol sa medical assistance, at mga manggagamot at rescuer na ipadadala sa mga nasalantang pook sa pinakamadaling panahon.
Ayon kay Zhang Hua, ang Deputy Chief ng Political Section ng Chinese Embassy sa Pilipinas, nagmamasid ang Tsina sa nagaganap sa Pilipinas at ilang ulit ng nagpahayag ng pagpapadala ng humanitarian aid sa mga nasalanta base sa kalagayan ng mga pook at pangangailangan sa panig ng Pilipinas.
Handa ang Tsina na ipadala ang kanilang medical team. Ani G. Zhang, ang Blue Sky Rescue Team na kasama ng Red Cross Society of China at iba pang non-government rescue teams ay nagpahayag ng kanilang pagnanais na lumahok sa disaster relief efforts sa bansa.
Sa panig ng pribadong sektor, ang mga tauhan ng China National Grid na technical partner ng National Grid Corporation of the Philippines, ang Huawei Company at iba pang mga kumpanyang Tsino ang nakikipagtulungan na sa mga nasalantang pook upang maibalik ang kuryente at komunikasyon. Ang pagpupunyagi ng mga kumpanyang ito ay makatutulong na maibalik sa dati ang mga napinsalang pook, dagdag pa ni G. Zhang.
1 2 3 4 5 6