Bigas, nadala na sa mga tanggapan ng DSWD
NAIHATID na ng National Food Authority ang may 75,530 sako ng bigas sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila para sa relief operations ng Department of Social Welfare and Development.
Ayon kay Rex Estoperez, tagapagsalita ng NFA, mayroong 30,050 sako ng bigas ang ipinadala sa National Resource Operation Center, sa Cargo House, 8,500, sa Villamor Airbase, 20,050, Ateneo de Manila University, 9250, Department of Agriculture, 3,680, Manila International Cargo Terminal, 4,000, at 45,000 na sako ng bigas sa NFA warehouse sa Tacloban City para sa repacking at depot center sa pook. Nangako ang NFA ng 198,000 bags o 18,000 sako ng bigas sa bawat araw mula noong Huwebes, ika-14 hanggang sa Lunes, ika-25 ng Nobyembre.
May pagtutulungan ang NFA at Department of finance at DSWD upng madali ang pagbababa ng bigas. Tigtatatlong kilo ng bigas ang kanilang ipinamamahagi sa bawat pamilya.
1 2 3 4 5 6