|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||

NATIONAL ID BAKA KAILANGAN. Marahil ay napapanahon ng pag-usapan ang pagkakaroon ng National ID System matapos manalanta ang bagyong "Yolanda." Higit na madadali ang paghahanap sa mga nasugatan, nasawi at kinikilalang 'missing' tulad ng naganap sa trahedyang dulot ni "Yolanda" ayon kay Civil Registrar General at NSO Administrator Carmelita N. Ericta. (Raymond Bandril)
BAKA napapanahon na ang pagkakaroon ng national identification system upang madali ang pananaliksik sa mga nasusugatan at nasasawi sa mga trahedya. Isa ito sa mga pagkang pinag-usapan sa Tapatan sa Aristocrat kanina.
Ipinaliwanag ni Administrator at Civil Registrar General Carmelita N. Ericta na ngayo'y mayroon ng mga identification card ang mga kasapi sa Social Security System at Government Service Insurance System subalit madadali ang pagkilala sa mga magiging biktima ng trahedya sa mga susunod na panahon.
Magugunitang maraming balita tungkol sa mga nasawi at nawawala subalit hindi pa mabatid ang kanilang mga pangalan. Tumutulong na ang mga tauhan ng National Statistics Office sa mga local civil registrars.
Natunaw umano ang database ng Tacloban City dahilan sa bagyo. May dalawang tauhang hindi pa mabatid ang kinaroroonan. Kailangan ang tunay na identity ng mga nasasawi upang magkaroon ng death certificates, dagdag pa ni Administrator Ericta.
Wala umanong death certificates na naglalaman ng "John Doe" kaya't mahalaga ang pagsasaayos ng datos. Pagtutulungan nila ng Public Attorney's Office ang mga taong lalapit sa kanila na hihiling sa hukuman na magkaroon ng declaration of presumptive death.
Sa panig ni Assistant Secretary Edilberto M. de Luna na mayroong nakalaang palatuntunan ang Kagawaran ng Pagsasaka na naglalayong maibalik ang kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |