Sa mata ng mga taga-Beijing, ang "hutong" ay nangangahulugang partikular na panahon sa kasaysayan, uri ng pamumuhay, at maging "encyclopedia ng Beijing."
Sa mga "hutong" na ito makikita ang dating bahay ng mga tanyag na personahe ng Tsina, at si Laoshe, isang kilalang manunulat ay isa sa kanila.
Si Laoshe ay ipinanganak sa isang "hutong" sa gawing kanluran ng Beijing. Ang alaala ng kanyang pagkabata ay talagang nakatatak sa kanyang puso't isipan, at kahit 20 taon na siyang umalis sa lunsod, maliwanag pa rin niyang naaalala ang lugar ng kanyang kapanganakan at ginawa niya itong backdrop ng kanyang nobelang "Four Generations under One Roof."
1 2 3 4