Marami ring kilalang opera at drama ang nagsimula, nakilala at nagbase ng kanilang mga tema sa buhay sa "hutong."Isa na riyan ang dramang ginawa ng Beijing People's Art Theatre, na "Teahouse" o "Small Hutong."
Sa kasalukuyan mayroon pang natitirang mga 400,000 kabahayan sa mga "hutong" na nakakalat sa mga distrito sa Silangan, Kanluran, Xuanwu, at Chongwen ng Beijing.
Ilan sa mga kilalang "hutong ay makikita sa Nan Luo Gu Xiang, Bei hai, Hou Hai, Gu Lou Da Jie, at ilan pang piling lokasyon.
Ang tanong, sa paglipas pa ng panahon, tuluyan na nga bang mawawala ang mga "hutong" na ito sa mukha ng Beijing? Tuluyan na nga ba silang buburahin ng mabilis na modernisasyon?
1 2 3 4