|
||||||||
|
||
MAKAKAHARAP ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang Filipino Community sa Japan sa kanyang pagdalaw sa bukas. Ito ang unang appointment ng pangulo sa kanyang paglalakbay sa Japan para sa Association of Southeast Asian Nations – Japan Commemorative Summit na gagawin sa darating na sa Sabado, ika-14 ng Disyembre.
Makakaharap niya ang mga kinatawan ng higit sa 200,000 mga Pilipinong naninirahan at naghahanapbuhay sa Japan. Unang naganap ang kanyang pagsasalita sa harap ng Filipino community noong 2010 ng dumalo siya sa Asia-Pacific Economic Cooperation Summit sa Yokohama.
Umabot na sa US$ 452,048,000 ang remittances ng mga Pilipino mula sa Japan noon pa mang Agosto 2013.
Magaganap ang pagpupulong sa Large Hall of the Arts Building ng National Olympics Memorial Youth Center. Iaabot ng mga Pilipino ang symbolic check na nagkakahalaga ng Y 1 milyon para sa mga napinsala ni "Yolanda" noong nakalipas na Nobyembre.
Sampung porsiyento ng mga banyaga sa Japan ang mga Pilipino at ikatlo sa pinakamaraming mamamayang mula sa ibang bansa. May 6,908 mga Pilipino ang mga walang visa. Higit sa kalahati ng mga Filipino doon ay mga permanent migrants, mga maybahay at kamag-anak ng mga Hapones o maituturing na permanent visa holders. May 46% ng mga Pilipino ay temporary migrants, mga OFW (7%) at mga nagtatrabaho ng walang visa na umaabot sa 38%.
Temporary migrants ang mga Pilipinong nag-aaral, may technical skills training, na sa Engineering, Intercompany work at iba pa. Higit sa kalahati sa kanila ang technical trainees. Ikalawang pinakamalaking grupo ng mga Pilipino sa Japan ay pawang mga engineer.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |