|
||||||||
|
||
Mga biktima ni "Yolanda" posibleng mabiktima ng human trafficking
KAHIT sinong mangako ng tulong, pagkain, salapi at matitirhan ay maaaring paniwalaan ng ilang mga biktima ni "Yolanda," kaya't malaki ang posibilidad na mabiktima sila ng human trafficking.
Ito ang paniniwala ni Fr. Melvin Castro, executive secretary ng Episcopal Commission on Family and Life. Masakit aminin subalit sa pagkakapinsala ng kanilang kabuhayan sa Kabisayaan, malamang na mahulog sila sa bitag ng human trafficking syndicates.
May mga ulat umanong nawawalang mga kababaihan at kabataan sa mga evacuation centers at lubhang mapanganib ito. Nararapat maging mapagbantay ang lipunan at pamahalaan sa posibilidad na mabiktima sila ng mga sindikato.
May dalawang pagtatangkang nabunyag tulad ng isang magandang dalaga na tinatangay na sana ng dalawang lalaking matipuno ang mga katawan.
Sa mga interesadong tumulong sa mga naulila ni "Yolanda" ay mayroong pagkakataong tumulong sa pamamagitan ng Pro-Life Hotline 02 7333027 at 7349425. Idinagdag pa ni Fr. Castro na puede rin sa pamamagitan ng mobile phone number 09192337783.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |