|
||||||||
|
||
Dalawang brodkaster, binaril: isang nasawi, isang sugatan
DALAWANG brodkaster ang binaril sa hiwalay na insidente kagabi at kaninang umaga.
Isang brodkaster ng Tagum City ang binaril at napatay kaninang mga ika-siyam ng umaga ayon sa mga paunang balita mula sa Mindanao.
Kinilala ang biktima sa pangalang Rogelio "Tata" Butalid, isang blocktime commentator ng Radyo Natin Tagum.
Hindi pa nakikilala ang namaril. Inaalam pa rin ng pulisya ang motibo. Ayon sa kanyang mga kasama sa himpilan, tinalakay ni Butalid ang sigalot sa pagitan ng dalawang grupong naghahabol sa liderato ng Davao del Norte Electric Cooperative.
Apatnapu't dalawang taong gulang si Butalid at nasa industriya na mula pa noong panahon niya sa kolehiyo bilang scholar ng DXDN. Isa siyang konsehal sa Barangay Mankilan.
Ang brodkaster na si Jonavin "Jhey-R" Villalba, 43 taong gulang at reporter ng DyOK Aksyon Radyo Iloilo, ay binaril at tinamaan sa kanang paa at hinlalaki.
Ayon kay Sr. Supt. Ruperto Floro, Iloilo Police Chief, isinugod si Villaba sa Iloilo Mission Hospital at diumano'y nasa mabuti ng kalagayan.
Dalawang 'di kilalang lalaking sakay ng isang itim na motorsiklo ang bumaril kay Villalba mga ika-11 ng gabi samantalang binubuksan ang gate ng kanyang tahanan sa isang barangay sa Jaro District. Naka suot ng jackets at helmets ang mga salarin.
Nabawi ng mga pulis ang siyam na basyo ng 9-millimeter sa lugar ng krimen. Inaalam pa ang dahilan na pamamaril at mga pagkakalinalan ng mga salarin.
Si Bulatid ang ikatlong mamamahayag na napapatay sa bansa sa nakalipas na tatlong linggo sa Mindanao. Sinundan niya si Joas Dignos sa Valencia, Bukidnon noong ika-29 ng Nobyembre at Michael Milo sa Surigao City noong Lunes, ika-siyam ng Disyembre.
Ang brodkaster na si Butalid ay mayroong expired KBP Accreditation noong nakalipas na taon samantalang si Villalba ay walang KBP Accreditation ayon sa tanggapan ng KBP sa Makati.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |