|
||||||||
|
||
Pamahalaan, niliwanag na walang "food aid" mula sa United Kingdom
WALANG natatanggap na food aid mula sa United Kingdom para sa mga biktima ni "Yolanda", 'di tulad ng lumabas na balita sa isang pahayagan sa ibang bansa.
Sa kanyang pagharap sa isang press briefing sa National Disaster Risk Reduction Management Council sa Kampo Aguinaldo, sinabi ni Social Welfare and Development Secretary Corazon Juliano Soliman na ang mga donasyong mula sa United Kingdom ay parang mga shelter box, communication equipment, solar lights at mga kumot.
Isang balita ang lumabas sa The Daily Mail ang nagsabing ang mga pagkaing mula sa United Kingdom ay ipinagbibili sa mga eksklusibong tindahan sa Metro Manila. May binanggit pang isang Keb Darge, isang banyagang naninirahan sa Samar na angsabing ang relief supplies ay itinatago ng mga opisyal ng pamahalaan. Ibinalita pa ng pahayagan na nagtatago ang banyaga sapagkat papatayin ng kanyang mga ibinunyag.
Ani Kalihim Soliman, ang mga donasyon mula sa United Kingdom ay nakapangalan sa non-government organizations at United Nations liban sa 504 na tolda na dumating sa Maynila noong ika-25 ng Nobyembre. Mayroon ding 224 na shelter boxes ang dumating mula sa Cebu noong ika-13 ng Nobyembre at nakapangalan sa DSWD Field Office.
Nakarating na rin ang mga donasyon sa pinakamalalayong pook sa pamamagitan ng mga helicopter ng Philippine Air Force at iba pang mga bansa. Noong nakalipas na linggo, isang helicopter ng Pilipinas ang bumagsak na ikinasugat ng anim na tauhan at dalawang mula sa DSWD.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |