|
||||||||
|
||
Japan, magpapatuloy sa pagtulong sa Pilipinas
SINABI ni Philippine Ambassador to Japan Manuel Lopez na tuloy ang pagtulong ng pamahalaang Hapones sa rehabilitation work sa Pilipinas na tinamaan ng napakalakas na bagyo noong isang buwan.
Sa panayam, sinabi ni Ambassador Lopez na binanggit ni Japanes Foreign Minister Fumio Kishida na kailangang magsabi lamang ang Pilipinas kung ano ang kailangan mula sa kanilang bansa.
Idinagdag pa ni Ambassador Lopez na hindi lamang sa relief tutulong ang Japan kungdi sa gagawing rehabilitation. Ito rin ang mensaheng ipinarating ng mga mambabatas na Hapones na nakahanda silang tumulong sa mga biktima ni "Yolanda."
Kung may hihilingin lamang si Pangulong Aquino sa mga pinuno ng Japan ay tiyak na pagbibigyan. Ito umano ang senyal na matatag ang relasyon ng dalawang bansa, dagdag pa ni G. Lopez.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |