|
||||||||
|
||
melo131213.m4a
|
Ito ang sinabi ni G. Yoshiteru Uramoto, Deputy Director General at Regional Director ng International Labor Organization sa panayam ng CBCPNews sa kanilang tanggapan sa Makati City kanina.
Ayon kay G. Uramoto, napakalaking pinsala ang idinulot ng bagyo at umabot sa 5.6 milyon katao ang nawalan ng hanapbuhay. Layunin ng kanilang tanggapan na tulungan at ilayo sa mapapanganib na hanapbuhay ang may 2.6 milyong manggagawa.
Mayroong sapat na salapi ang pamahalaan sa pamamagitan ng P 33 bilyong natipid sa budget ng 2013 na gagamitin sa rehabilitation program ng pamahalaan. Sa pagpapatupad ng reconstruction program sa pinakamadaling panahon, tiyak na mapupuna ito sa larangan ng ekonomiya ng Pilipinas. Magkakaroon ng pagkakataong kumita ang mga nawalan ng hanapbuhay.
Idinagdag pa niya na kung magkakaroon ng pagkakakitaan ang mga nagsilikas, tiyak na uuwi sila sa kanilang mga lupang sinilangan.
Hindi magiging madali ang kailangang gawin ng mga magsasaka sapagkat lilinisin pa nila ang kanilang mga bukirin at aayusin pa rin ang patubig.
May 30,000 construction workers ang kailangan samantalang 200,000 hanggang 300,000 mga manggagawa ang kailangan sa programa ng pamahalaan. Sa pamamagitan ng Great Construction Boom, tiyak na makikita ang epekto nito sa pangkalahatang larawan ng ekonomiya sa buong bansa. Kahit pa nagsisimula sa mga barong-barong na may trapal, hindi magtatagal ay tuluyang gaganda ang kanilang mga tahanan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |