|
||||||||
|
||
Pangangailangan ng mga biktima, hindi agad maibibigay
NANINIWALA si Ginoong Roberto Amores, Chairman for Agriculture ng Philippine Chamber of Commerce and Industry na hindi kaagad maibibigay ang pangangailangan ng mga biktima ni "Yolanda," partikular ang binhi ng mga magsasaka.
Ito ang pahayag ni G. Roberto C. Amores, Chairman ng Committee on Agriculture ng Philippine Chamber of Commerce and Industry subalit hindi agad-agad maibibigay ang kailangan ng mga magsasaka. Kailangang linisin ng mga magsasaka ang kanilang pagtatanamnan tulad rin ng patubig. (PCCI Photo)
Sa isang panayam matapos ang Year-ender Briefing ng PCCI, sinabi ni G. Amores ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang tugunan ang kanilangang pangangailangan.
Hinirang ng Pamahalaan ng Pilipinas si dating Senador Panfilo Lacson bilang rehabilitation czar at kailangang magkaroon ng koordinasyon ang mga tanggapan ng gobyerno upang maayos ang pagtugon sa rehabilitasyon.
Sa larangan ng industriya ng palay, kailangang isaayos ang patubig, ang tamang binhing itatanim upang kumita ng sapat ang mga magsasaka.
Inihalimbawa niya ang sektor ng niyog. Ayon kay G. Amores, kung tatamnan mo rin ng mahinang uri ng niyog bilang pamalit sa mga napinsala, aabot ng hanggang pitong taon bago ito mamunga kaya't kailangan ang makabagong uri na mamumunga sa pagsapit ng apat o limang taon lamang.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |