|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, tumanggap ng honorary degree mula sa Sophia University sa Tokyo
GINAWARAN ng honorary doctor of law degree si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ng Sophia University sa kanyang pagdalaw sa Japan para sa ASEAN-Japan Commemorative Summit.
Sa kanyang commemorative lecture, ginunita ni Pangulong Aquino ang buhay ni Fr. Horacio dela Costa, ang huling Pilipinong tumanggap ng parangal sa pamantasan noong 1973. Naging inspirasyon ni Pangulong Aquino at ng kanyang yumaong ama ang misyonerong Jesuita.
Minana niya ang karunungan ni Fr. dela Costa at ng iba pang mga matatalinong mamamayan. Obligado umano siyang ipagpatuloy ang kanilang iniwan, sa pagtulong sa bansang matamo ang katarungang panglipunan at kaunlarang pang-ekonomiya hindi lamang ang kaunlaran kungdi ang kaunlarang panglahatan.
Pinasalamatan niya ang mga Japones sa walang humpay na pagtulong sa mga Pilipino sa panahon ng kahirapan tulad ng idinulot ni "Yolanda" noong isang buwan.
Binanggit niya ang dalawang video na nagpapakita sa dalawang Hapones sa internet matapos dumaan ang bagyong "Yolanda." Isa ang tungkol kay Shigehiro Matsuda, isang kabataang Hapones na kasama sa relief operations sa Leyte at Samar. Matatas siyang nagsasalita ng wikang Pilipino at isang pre-schooler na Hapones na nag-ambag ng kanyang naipong nagkakahalaga ng 5,000 Yen para sa mga biktima ni "Yolanda."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |