![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Mga employer, nangangamba sa epekto ng pagtaas ng presyo ng kuryente
NAKATITIYAK ang mga kasapi ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na malaki at masama ang magiging epekto ng pagtaas ng halaga ng kuryente sa nasasakupan ng Meralco sapagkat malaking bahagi ito ng produksyon.
Naniniwala si International Labor Organization Asst. Director General at Regional Director for Asia and the Pacific Yoshiteru Uramoto na makikinabang ang mga walang hanapbuhay sa ipatutupad na reconstruction ng mga napinsalang gusali at paaralan sa Central Philippines. May sapat umanong salapi ang Pilipinas at ang international community upang tustusan ito. (Melo M. Acuna)
Ayon kay G. Edgardo B. Lacson, pangulo ng ECOP, tiyak na tataas ang halaga ng mga bilihin. Mababawasan ang matinding dagok kung hahatiin ang magiging dagdag-singil sa mas mahabang panahon, na lalampas sa buwan ng Pebrero at pagkakaroon ng subsidyo sa royalty income mula sa Malampaya, pansamantalang pagsusupinde ng Expanded Value Added Tax at pagkakaroon ng energy conservation program. Mangangailangan din ng mandatory price freeze sa presyo ng mga karaniwang binibili ng mga mamamayan, tulad ng asukal, gatas, bigas, sardinas, liquefied petroleum gas at iba pa.
Kailangan ding magkaroon ng koordinasyon ang mga power producer sa kanilang mga gagawing maintenance ng mga planta upang maiwasan ang mga hindi inaasahang kakulangan ng kuryente sa power mix na nagaganap ngayon na dahilan ng biglaang pagtaas ng halaga sa bawat kilowatt hour.
Nanawagan si G. Lacson sa pamahalaan at pribadong sektor na gumawa ng pagsusuri sa ilang maaaring pagkunan ng kuryente tulad ng nukleyar na kontrobersyal sa mga isyung bumalot sa Bataan Nuclear Power Plant.
Napapanahon na ang pagkakaroon ng mas mura at maasahang supply na ligtas at tumutugon sa environmental standards, dagdag pa ni Ginoong Lacson.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |