|
||||||||
|
||
Arsobispo ng Maynila, natuwa sa pagkakahirang kay Pope Francis bilang "Man of the Year"
ANGKOP na angkop ang pagkakapili ng Time Magazine kay Pope Francis bilang "Man of the Year" sapagkat mayroong universal appeal ang Mabuting Balita mula kay Hesukristo tungkol sa pagkahabag, kababaang-loob, katapatan, halaga ng pagkatao at pakikiisa.
Ito ang pahayag ni Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle matapos lumabas ang balita sa pagkakapili sa bagong Santo Papa ng Time Magazine. Nauunawaan at kinikilala ng madla ang mensahe niya. Ang pagkakapili sa Santo Papa, ani Cardinal Tagle ay nagsisilbing panawagan sa mga pinuno at mananampalataya na pahalagahan ang mga katangiang ito sa kanilang pang-araw-araw na buhay at gawain.
May panawagan din sa mga pinuno ng daigdig na mamuhay ng may integridad at pagbalik-aralan ang kanilang mga prayoridad at magsilbing inspirasyon sa balana na maglingkod ng hindi naghihintay ng kapalit, dagdag pa ni Cardinal Tagle.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |