|
||||||||
|
||
Prayoridad, paglilipat sa mga pamilyang nasa evacuation centers
MITHI ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs na madala sa resettlement areas ang mga pamilyang nasa loob pa ng evacuation centers.
Sa impormasyong ipinalabas ng OCHA ngayong araw na ito, nabatid ring kailangang matapos ng pamahalaan ang tinaguriang Housing structural assessment na magiging gabay sa pagbuo ng estratehiya upang mailaan ang salapi para sa pag-aayos at pagtatayo ng mga tahanan.
Nasimulan na ang pagbangon ng mga nasalanta sa paglilinis ng mga dumi mula sa mga gusali ng pamahalaan sa bayan ng Loon.
Samantala, sa nilalayong maipong halaga ng US$ 46 milyon para sa mga nasalanta ng lindol noong ika-15 ng Oktubre, tanging 22% pa lamang ang naiipon kaya't babaguhin ang mga palatuntunang ipatutupad sa pagtatapos ng Enero, 2014.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |