|
||||||||
|
||
Ambassador Ma, nagpaalam na kay Pangulong Aquino
DUMALAW kanina si Chinese Ambassador to the Philippines Ma Keqing upang magpa-alam kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III. Magtatapos na ng kanyang paglilingkod bilang Ambassador ng People's Republic of China sa pagtatapos ng taong ito.
Sinamahan siya ng iba pang mga opisyal ng Embahada ng China tulad nina Deputy Chief of Mission Sun Xianyang at Political Counselor Wu Zheng Ping.
Sumaksi sa okasyon sina Kalihim Albert F. Del Rosario, Undersecretary Laura del Rosario at Assistant Secretary Ma. Theresa Lazaro.
Sa kanyang pananatili sa bansa, tumulong siyang mapalalim ang relasyon ng Pilipinas at Tsina, ayon sa pahayag ng Malacanang.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |