Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino at Kalihim Soliman, namahagi ng certificates of occupancy sa mga nasalanta

(GMT+08:00) 2013-12-23 18:44:11       CRI

Arsobispo Tria-Tirona: Maunlad ang bansa kung may edukasyon, kalusugan at katarungan

MAUNLAD ANG BANSA KUNG MAY EDUKASYON, KALUSUGAN AT KATARUNGAN. Ito ang pahayag ni Arsobispo Rolando Tria-Tirona, OCD, Arsobispo ng Caceres at Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace sa panayam ng CBCP Online Radio kanina sa Lungsod ng Naga, Camarines Sur. (Melo Acuna)

NANINIWALA si Arsobispo Rolando Tria-Tirona, OCD, Arsobispo ng Caceres sa Camarines Sur at Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace na maituturing na maunlad ang isang bansa kung mayroong edukasyon para sa lahat, may maayos na palatuntunan para sa kalusugan at nadarama ng taongbayan ang katarungan.

Sa isang panayam sa kanyang tahanan sa Lungsod ng Naga, sinabi ni Arsobispo Tirona na tulad ng industriya ng pagmimina, mangilan-ngilan lamang ang nakikinabang sa isang mapaminsalang industriya.

Nagbibirong sinabi ni Arsobispo Tirona na kung talagang kaloob ng Diyos ang pagmimina, hindi n asana pinahirapan ang tao upang makuha ang likas na yamang ito.

Mahirap umanong matanggap ang sinasabing economic benefits na matatamo sa pagmimina sapagkat napipinsala ang kapaligiran at ang kalikasan. Nararapat lamang suriin ng pamahalaan ang mga benepisyong matatamo at mawawala kung sakaling sumigla ang industriya ng pagmimina.

Hindi umano sapat ang dole-outs at pagtatayo ng ilang mga paaralan upang mapunuan ang pinsalang idudulot nito sa komunidad at sa kalikasan.

Samantala, sinabi ni Arsobispo Tirona na hiniling niya kay Bishop Broderick Pabillo na pangasiwaan ang tanggapan hanggang sa Abril ng 2014 upang huwag maantala ang pakikipag-ugnayan sa mga banyagang tanggapang nagpapadala ng tulong sa mga napinsala ng nakalipas na mga trahedya sa Bohol dulot ng malakas na lindol at sa ilang rehiyon ng bansa dulot naman ng napakalakas na bagyong Yolanda noong nakalipas na buwan.


1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>