Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino at Kalihim Soliman, namahagi ng certificates of occupancy sa mga nasalanta

(GMT+08:00) 2013-12-23 18:44:11       CRI

Mga banyagang nasa Pilipinas, kailangang magpakita sa Bureau of Immigration

INUTUSAN ng Bureau of Immigration and mga banyagang magtungo sa kanilang tanggapan mula Enero ng 2014 hanggang sa huling araw ng Pebrero upang makapanatili sila ng legal sa bansa.

Nilagdaan ni Commissioner Siegfred Mison ang isang memorandum circular SBM 2013-007 na nagsasaad na ang lahat ng mga banyagang naninirahan sa bansa ay nararapat mag-ulat at magpakita sa mga tanggapan ng Bureau of Immigration sa unang 60 araw ng bawat taon. Pagtalima umano ito sa Section 10 ng Republic Act 562 na may pamagat na Alien Registration Act.

Kabilang sa mga layunin nito ang pagpapatupad sa national security, public safety at public order.

Nararapat dalhin nila ang kanilang ACR Icard o sipi ng ACR at mag bigay ng application form na makukuha sa website ng tanggapan (www.immigration.gov.ph). Maaari ding kumuha ng application form sa lahat ng tanggapan ng Bureau of Immigration. Nararapat ding magbayad ng P 310 bahagi ng requirements.

Pinagbabawalan ang travel agencies, law firms at iba pang tanggapan na maikipagtransaksyon sa Bureau of Immigration sa ngalan ng mga banyaga liban sa exceptions na nakasaad sa Memo Circular SBM 2013-002.

Ang mga banyagang wala pang 14 na taong gulang o may 65 taong gulang, may kapansanan sa pag-iisip, nasa piitan o nasa pagamutan ay 'di nakailangang magtungo sa Bureau of Immigration. Ang makakapagpakita ng prueba ng physical incapability na magtungo ng personal sa tanggapan ay maaaring magpadala ng kinatawan.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>