|
||||||||
|
||
20131226ditorhio.m4a
|
Ngayon po ay December 26, kakatapos lang ng araw ng Pasko, pero, sabi nga nila, huli man daw at magaling, ay naihahabol din. Kaya, Merry Merry Christmas, Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa inyong lahat. At dahil panahon pa rin ng Kapaskuhan, ang episode po natin ngayong gabi ay ang ating Christmas Special, at pag-uusapan natin ang tungkol sa Santa Claus ng Beijing.
Kakaibang mga Santa Claus po ito at ang kanilang aktibidad ay for a cause. Samahan ninyo kaming magrelaks-relaks, uminom ng kape o di kaya tsaa, at makinig sa aming Christmas special.
Ang mga Santa Claus dito sa Beijing ay tinatawag na SantaCon. Sa totoo lang ang SantaCon ay isang organisasyon, at ayon sa opisyal nilang website na: www.bjsantacon.com, ito ay non-commercial, non-political, non-religious at non-sensical Santa Claus convention upang ipagdiwang ang saya, at magpakita ng goodwill sa panahon ng Kapaskuhan.
Bakit ito ginagawa?
Walang partikular na dahilan, at ayon pa rin sa opisyal nilang website, "there is no particular reason to dress up in Santa suits, run around Beijing for hours, give gifts, sing songs, have strangers sit on our laps and decide who is naughty or nice–but it's a lot of fun–so Santa does it anyway."
Ang SantaCon para sa taong 2013 ay idinaos noong December 14, 2013. Halos 200 Santa Claus ang sumali, at maliban sa pagbibigay nila ng saya sa mga taga-Beijing, nag-contribute din sila para sa mga biktima ni Yolanda. Sabi ni Rudolph (web manager ng SantaCon), ang perang nakolekta na nagkakahalaga ng 3,450RMB ay idaraan sa Bethel China, isang charitable organization upang matulungan ang ating mga kababayan diyan sa Iloilo.
Ang taong ito ang ika-6 na taon nang pagdaraos ng SantaCon sa Beijing.
Dahil ang mga Santa Claus ng Beijing, na karamihan ay foreigners ay makikihalubilo sa mga lokal na residente, kailangan mayroon silang rules of engagement. At dahil diyan mayroong ginawang rules si Rudolph.
Santa's Rules
1. Santa looks like Santa. Holiday apparel is mandatory. Kailangan, ang lahat ng Santa ay nakasuot ng pan-Santa. Kailangan ding maging creative: puwedeng maging Secret Santa, Tang Dynasty Emperor Santa, Panda Santa, Candy Cane, Christmas Tree, Reindeer, KTV Elf, etc.
2. Santa acts like Santa. Be jolly. Umawit ng mga kantang Pamasko at mamigay ng regalo.
3. Santa does not seek media attention or accept corporate sponsorship. "Ho-ho-ho" is good. "Publicity ho" is lame.
4. Santa doesn't get arrested. Tandaan lang ang 4 na DONTS:
• Don't mess with kids.
• Don't mess with the police.
• Don't mess with security.
• Don't mess with Santa.
Sabi pa ni Rudolph, "Santa is friendly, respectful, and cooperative with everyone. Santas do not destroy property, steal merchandise, or do harm to others."
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |