|
||||||||
|
||
Tsuper na sangkot sa sakuna, nasawi na rin
NAMAYAPA na si Carmelo Calatcat, ang tsuper ng humarurot na Don Mariano bus na nahulog mula sa Skyway noong ika-16 ng Disyembre. Nahulog ang bus sa isang dumaraang van sa West Service road.
Si Calatcat, 39 na taong gulang, ay mayroong tatlong anak sa Dinagat Island. Isinugod siya sa Paranaque Doctors Hospital at ginamot ng siyam na araw. Nasira ang Skyway railing mga ikalima ng umaga noong Lunes, ika-16 ng Disyembre at bumagsak sa van na noo'y naglalakbay sa West Service Road sa pag-itan ng Bicutan at Sucat exits.
Labing-pitong pasahero ang nasawi at nasawi rin ang konduktor ng bus. Kahit ginagamot ang tsuper sa intensive care unit ipinagsumbong siya sa piskalya ng Paranaque ng reckless imprudence resulting in multiple homicide at multiple serious physical injuries.
Suspendido ang operasyon ng bus sa susunod na apat na linggo. Mayroong 78 bus ang kumpanya. Lubha umanong napakabilis ng takbo ng bus sa paghigit nito ng 120 kilometro bawat oras samantalang 80 kph lamang ang pinapayagan sa Skyway. Kalbo na umano ang mga gulong ng bus at dumulas sa ito kaya't nahulog.
Inaalam pa rin ang katotohanan sa balita na nagtatrabaho si Calatcat sa loob ng 19 na oras.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |