|
||||||||
|
||
melo/20131217.m4a
|
HIGIT na magiging malapit ang Estados Unidos at Pilipinas sa pag-uusap nina Kalihim Albert F. Del Rosario at US Secretary of State John Kerry sa DFA kaninang hapon.
Ayon kay Kalihim del Rosario, nagpalitan sila ng pananaw hinggil sa bilateral relations mula sa larangan ng politika hanggang sa seguriad at nakarating sa ekonomiya at maging sa regional at global concerns. Pinasalamatan din niya ang Estados Unidos sa madalian at malaking tulong sa nakalipas na bagyong "Yolanda" at ang pangako ng Amerika na susuportahan ang pagtatayong muli ng kabuhayan sa pook.
Pinang-usapan din ang pagpapalakas ng Philippines – United States security cooperation. Mapakikinabangan din ang Framework Agreement on Enhanced Defense Cooperation at maging ang Rotational Presence na paksa pa rin ng magkabilang-panig.
Magtatagal si US Secretary of State John Kerry hanggang bukas sa kanyang pagdalaw sa Tacloban City upang makausap ang mga biktima at alamin ang relief efforts na ipinatutupad ngayon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |