Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pasko: Panahon ng pagsasama-sama ng pamilya't kaibigan

(GMT+08:00) 2013-12-24 18:46:50       CRI

Kapayakan ng Pasko, nararapat pagnilayan

NANINIWALA si Manila Archbishop Luis Antonio G. Tagle na ang kapayakan ng unang Pasko ang nararapat pagnilayan ng mga Pilipino. Sa kanyang mensahe ngayong darating na Pasko, sinabi ni Cardinal Tagle na maraming mga Pilipino ang nag-iisip kung paano ipagdiriwang ang Pasko ng mga nakaligtas sa krisis na idinulot ng labanan sa Zamboanga noong Setyembre, sa lindol na yumanig sa Bohol at mga kalapit lalawigan noong Oktubre at sa mga apektado ni "Yolanda" noong Nobyembre.

Sa kanyang pagdalaw sa Palo, Leyte, sinabi ni Arsobispo Tagle na nakausap niya ang isang nakaligtas sa trahedya at nagsabing sa pinsalang idinulot ng bagyo, ito umano ang pagkakataong maunawaan at maipagdiriwang ang tunay na kahulugan ng Pasko.

Ani Cardinal Tagle, ang unang Pasko ay kinakitaan ng kapayakan, ng pagiging simple subalit kinatagpuan ng pagsilang sa isang sabsaban ng Anak ng Diyos tulad ng binanggit ng Propetang si Isaiah.

Ang Pasko ngayong 2013 ay isang Pasko na may pakikiisa sa mga nagtitiis. Magaganap lamang ito kung mayroong tapat na pagninilaw, pagbabalik-aral sa mga pinahahalagahan, pagsasaad ng mga prayoridad at pangangako sa Diyos, sa kapwa, bansa at nilikha namagiging mabubuting mamamayan.

Idinagdag pa niya na itinuturo ng mga nakaligtas sa sunod-sunod na trahedya kung paano makita ang Diyos ng may pag-asa.


1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>