|
||||||||
|
||
May sapat na salapi para sa mga napinsala ni "Yolanda"
NANINIWALA si Budget and Management Secretary Florencio Abad na mayroong sapat na salapi upang matustusan ang rehabilitation program ng Pilipinas para sa mga napinsalang pook sa Central Philippines. Magugunitang hinagupit ng super typhoon na si "Yolanda" ang ilang rehiyon sa kalagitnaan ng bansa noong unang linggo ng Nobyembre.
Sa isang exclusive interview, sinabi ni Kalihim Abad na may salapi ang pamahalaan at ang ibibigay ng mga bilateral at multilateral partners. Target ng pamahalaan ang US$ 8 bilyon o P 320 bilyon.
Ani Kalihim Abad, mayroong sapat na halaga upang tustusan ang bahagi ng pamahalaan sa rehabilitation program. Mayroon umanong nakalaang P 100 bilyon at ngayong buwan ng Disyembre ay mayroon ng P 34 na bilyon.
Kakailanganin ang halagang P 118 bilyon hanggang sa pagtatapos ng taong 2014.
Sa larangan ng mga paaralan, may sapat na salapi upang itayo at ilipat ang mga paaralang nasa "no-build zones" sa Silangang Kabisayaan.
Hindi umano nababahala si Kalihim Abad sa salaping kailangan. Ang kanyang ikinababahala ay ang paghihintay ng mga biktima ng kaukulang rehabilitasyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |