|
||||||||
|
||
Iloilo umaasang higit na ligtas ang 2014
MATAPOS ang serye ng mga kalamidad at trahedyang naganap sa bansa sa patapos na taon, nagpahayag ng paniniwala si Jaro Archbishop Angel Lagdameo sa kanyang sirkular na umaasa ang buong arkediyosesis nang mayroong pag-asa, pag-asa sa Diyos at sa kapwa, pakikiisa at pagtulong sa mga nangangailangan.
Pinapurihan din ni Arsobispo Lagdameo ang Archdiocesan Social Action Center, sa tulong ng iba't ibang komisyon, parokya at mga institusyon, ay nakatugon sa mga pangangailangang dulot ng bagyong "Yolanda". Nagpasalamat siya sa mga tumulong ng hindi na nagpakilala.
Ibayong pagtulong naman ang tiniyak ni Msgr. Meliton Oso, Social Action Center Director sa mga nasalanta, hindi lamang sa relief kungdi maging sa reconstruction phase.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |